Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na handa itong rumesponde sa mga pangangailangan ng mga nabiktima ng pagbaha, sa pamamagitan ng pera o food packs.

Naglaan ang ahensya ng P56 milyon para sa pondo ng mabilisang responde at isa pang pondong nakaantabay sa mga field offices ng DSWD na nagkakahalagang P75 milyon.

Halos 70,000 na food packs naman ang nakahanda para sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Visayas at Mindanao, ayon sa DSWD ngayong Lunes.

Maraming mga Pinoy ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa mismong araw ng Pasko dahilan ang malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao nitong Linggo.

Base sa datos mula sa nasabing ahensya, nasa 15,400 ang bilang ng mga pamilya mula sa halos 100 barangay sa silangang baybayin ng bansa ang naapektuhan ng pag-ulan.

Nananatili namang nasa evacuation centers sa Northern Mindanao at rehiyon ng CARAGA ang ilang pamilyang apektado ng sakuna.

Leave a Reply