Share:

Si Health Secretary Francisco Duque III ay naniniwalang dapat na palawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) nang isa o dalawa pang linggo sa NCR Plus.

Ayon sa kaniya, nasa kritikal pang kalagayan ang intensive care unit (ICU) at hindi pa ito handa para sa kapasidad ng mas marami pang tao para sa pangangalaga ng kalusugan.

Sinabi niya sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo, ang ating health system capacity ay hindi masyadong nag-iimprove pa sa ngayon. May ilang siyudad pa rin ang may critical risk classification ang mga ICU capacity kung titingnan ang datos, ayon sa kalihim.

Dagdag pa niya, sa kabila nang pagbawas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ay mataas pa din ang bilang ng kaso sa nakaraang dalawang linggo sa Metro Manila.

Sinabi ni Duque na sa susunod na Martes ay tatalakayin ang status ng NCR Plus kung ito ba ay magpapatuloy ng MECQ.

Ito ay sa pamamagitan ng rekomendasyon at gabay ng Inter-Agency Task Force’s sub-technical working group on data analytics base sa bilang ng ng mga kaso ng COVID-19.

Magtatapos sa Abril 30 ang MECQ sa NCR Plus na sumasaklaw sa Metro Manila, Cavite, Rizal at Laguna.

Matatandaang nauna nang sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque na ang pagpapasya sa susunod na estado ng NCR Plus ay isasaalang-alang batay sa healthcare utilization rate at pagsusuri sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

Leave a Reply