Sa inilabas na listahan ni President Rodrigo Duterte at ng anti-corruption body ay wala dito si Health Secretary Francisco Duque. Samantala, patuloy parin naman iimbestigahan ang iba’t ibang anumalyang nagaganap sa ahensya.
Ayon sa panayam kay Philhealth Commissioner Greco Belgica ay hindi pa maituturing na kasama si Duque sa mga tauhan ng Philhealth na kabilang sa isyu ng korupsyon.
Mayroong di umanong 30 araw na ibinigay kay Belgica upang imbestigahan ang anumalyang ito ngunit aminado siya na hindi nila ito kayang tapusin sa itinakdang panahon. Ani niya, uunahin nila ang mga isyu na mas kailangan bigyang pansin at ito ay ang patuloy sa IRM.
Gayundin si Philhealth Senior Vice President for the Legal Sector na si Rodolfo Del Rosario Jr ay hindi rin kasali sa listahan ani ni Belgica. Sa kabila ng napakaraming kaso na ipinatong sa kanya ay wala pa rin itong sapat na pruweba kaya naman patuloy pa itong pag aaralan.
Sa kasalukuyan 8 top officials at 16 na iba pang pangalan ang inirekomenda ng PACC na kasuhan ukol sa anumalya ng Philhealth.