Share:

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sagutin ang gastos ng mga pasyente na may COVID-19 na tumatanggap ng pangangalaga mula sa mga makeshift tent sa labas ng mga ospital, sinabi ng Malacañang nitong Martes.

Inutusan din ng Presidente ang PhilHealth na sagutin ang gastos ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) o mga swab test at isolation ng parehong mild at kritikal na mga pasyente ng COVID-19.

“Nagbigay ng direktiba po ang ating Presidente sa Philippine Health Insurance Corp. na kasama sa health insurance coverage ang RT PCR tests, isolation sa accredited community isolation units at hospitalization para sa mild at critical cases ng COVID-19,” sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque sa isang online briefing.

“Kaugnay nito, kung ang tents ay kasama sa in-patient care, kailangan covered ito sa kasalukuyang in-patient COVID-19 package,” dagdag niya.

Sa naunang pagdinig sa House of Representatives, inihayag ng isang mambabatas na ang ilang mga ospital ay sinisingil ang mga pasyenteng may COVID-19 na nanatili sa mga makeshift tent ng P1,000 bawat oras habang hinihintay ang admission na hindi sakop ng insurance o PhilHealth.

Leave a Reply