Share:

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na mapipilitan siyang magpatupad ng isang mahigpit na lockdown kung hindi susundin ng publiko ang mga health protocol sa gitna ng pagtuklas ng mga bagong variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa isang taped speech na ipinalabas noong Martes, sinabi ni Duterte na “pagsunod” ang pag-asa ng bansa na wakasan ang pandemikong ito.

“Alam mo ang pag-asa natin is really the obedience. So if I’m strict and kung may improvement man ngayon sa larangan ng ating mga siyudad, there’s a sharp drop of cases, it’s because they followed the protocols,” sinabi ni Duterte.

“Kasi pag hindi, then mapipilitan again ako na to impose lockdowns and everything at mas strikto ang gobyerno,” dagdag niya pa.

Sinabi pa ng Pangulo na ang pagkakaroon ng mga bagong variant ng COVID-19 ay maaaring idagdag sa kanyang desisyon na magpataw ng mas mahigpit na mga hakbang pangkalusugan.

“‘Pag di sumusunod, may resurgence nanaman tapos new variants. Mapipilitan talaga ako mag impose ng lockdown maybe stricter this time because di natin alam anong variants yan, pag-aralan muna yan,” sabi ni Duterte.

Ang tinaguriang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna ay naibaba sa general community quarantine na may mas mataas na paghihigpit matapos na bumaba ang mga kaso dahil sa mahigpit na hakbang.

Sa patuloy na pagbabakuna, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga nakatanggap ng bakuna sa COVID-19 na manatiling maingat dahil hindi ito nangangahulugang ligtas na sila sa coronavirus.

“It does not follow that because you have the COVID-19 vaccine, it does not follow that you cannot be sick again because you can get reinfected pati mga bagong variants ngayon which makes our job doubly hard to do,” ayon kay Duterte.

Leave a Reply