Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay siyang magbabantay sa mga alkalde at punong barangay kung may matinding mga paglabag sa quarantine measures na magagananap sa ilalim ng kanilang nasasakupan, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pre-recorded briefing noong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ni Duterte na marami siyang nakitang mga quarantine violations sa mga nagdaang linggo na maaaring maging sanhi ng mga pagtaas ng kaso sa COVID-19 sa Metro Manila at mga katabing lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna – sama-sama na tinukoy ng gobyerno bilang National Capital Region Plus (NCR Plus).
“Now I will do this. I will hold responsible, and I will direct the Secretary of the Local Government — DILG — to hold the mayors and responsible for these kinds of events happening in their places. It is a violation of the law. And if you do not enforce the law, there is a dereliction of duty, which is punishable under the Revised Penal Code,” ani ni Duterte.
“So the DILG can proceed against you for not doing your duty as mayor, or as a barangay captain. But not so much about the mayor. It’s just that there the liability. These barangay captains are the problem. Since barangays are really small, do not give me that shit about that you didn’t know about it,” dagdag niya.
Hindi tinukoy ng Pangulo kung aling mga quarantine protocols ang nilabag, ngunit sinabi niya na napansin niya ang maraming isyu – kasiyahan – na maaaring maging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.
“Nakita ko violation dito, violation doon; sakit dito, sakit doon. Anak ka ng… Wala tayong pera. Do not ever think that we can accommodate you just anytime. If you look on the TV and sa mga news, hindi nga makapasok naghihintay lang sa mga kotse. Naghihintay lang diyan sa labas hanggang mabigyan sila ng kama,” sinabi ng Pangulo.
“The local government will go after you — administratively and criminally — if there’s a fiesta gathering or dance there. The DILG will call the mayor and the barangay captain,” dagdag niya.
Nakitaan ang bansa ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa pagkalat ng mga variants. Ngunit habang ang aktibong bilang ng kaso ay patuloy na bumaba, ang mga eksperto sa kalusugan ay nangangamba na ang ‘mga relaxed mindsets’ ay maaaring humantong sa isa pang pagdagsa ng mga kaso o surge.