Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na baba na lamang ito sa kanyang puwesto dahil sa talamak na korapsyon sa bansa.
“Ewan ko kung sabihin ko ito sa inyo, I offered to resign as president, sabi ko nagsasawa na ako,” ani niya noong Lunes ng gabi.
Mula nang pinasok niya ang gobyerno bilang piskal, alkalde at pagkatapos ay bilang pangulo noong 2016, sinabi ni Duterte na nakita niya na hindi mapigilan ang katiwalian.
“Talagang wala nang katapusan itong corruption, mahirap talagang pigilin,” aniya.
“Even with the investigation or the clamor for government to shake the tree, wala, hanggang ngayon it’s being committed every day. Can you stop it? You cannot, there is no way,” dagdag niya.
Pinangalanan ni Duterte ang Land registration Authority bilang isa sa mga ahensya na “kilalang kilala maging sa mga probinsya.”
Sinabi niya na pinangasiwaan niya ang maraming mga kaso laban sa mga opisyal nito nang siya ay piskal sa lungsod ng Davao.