Marami ang kumwestyon sa desisyon ni Pangulong Duterte patungkol sa paggawad niya ng ‘absolute pardon’ kay Pemberton, isang US Marine na pumatay sa isang transgender na Pinay noon. Napagdesisyunan ng Pangulo na palayain na ng tuluyan si Pemberton dahil di umano sa magandang ugali na pinakita nito habang siya ay nasa kulungan. Umalma naman ang pamilya ni Laude at nagbigay ito ng pahayag.
Ayon sa abogado ng Pamilya ni Jennifer Laude ay ito ay pagpapakita lamang na hindi kaya ng Pangulo na lumaban sa ibang bansa kahit na ito ay patungkol pa sa hustisya ng ating mga kababayan. “May problema sa kung paano nag-iisip ang ating, si Duterte—hindi niya kayang lumaban sa US o sa Tsina,” ani ng abugado ng Pamilya Laude.
Ayon pa sa panayam ng ABS-CBN sa abugado ni Laude ay hindi ito patas para sa ating mga Pilipino. Pinawalang sala di umano ng Pangulo ang dayuhan para makakuha ng tulong sa US laban sa Tsina.
Ang desisyon na ito ay sariling desisyon ng Presidente at matapos niyang di umano marinig at pag aralan ang kaso sa balita. Marami rin namang abugado ang hindi sang ayon sa desisyon ng Pangulo.