Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ng isang infectious disease expert nitong Lunes na ang mga outdoor spaces ay hindi pa ligtas mula sa panganib ng pagkalat ng COVID-19, at nagsabing ang pag-aalis ng ipinag-uutos na pagsusuot ng mga face mask sa mga lugar na ito ay “hindi pa ligtas.”

Dahil ito sa executive order ni Cebu Gov. Gwen Garcia, na nagpapahintulot sa optional na paggamit ng mga face mask sa mga bukas at well-ventilated na lugar.

“Comparing a ventilated or open space and a closed indoor in terms of transmission, mas mataas ang risk sa indoor. But outdoor, it doesn’t also mean zero ang risk, especially sa mga matataong lugar – sa mga public market, sa mga public transportation system,” sinabi ni Dr. Rontgene Solante sa isang panayam nitong Lunes.

Si Solante ang hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa San Lazaro Hospital na pinamamahalaan ng gobyerno sa Maynila.

“Plus the fact na mayroon pa tayong mga variants of concern na hindi natin alam ang status especially in the provinces ‘no, I think it’s not safe yet to lift the mask mandate not only indoors but also outdoors,” dagdag pa niya.

Nauna rito, ipinagtanggol ni Garcia ang kanyang executive order, na sinasabing nilalayon nitong “i-rationalize” ang pangangailangan ng pagsusuot ng face mask sa loob ng Lalawigan ng Cebu.

Gayunpaman, tumanggi ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kilalanin ang kanyang utos dahil sa umiiral na guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply