By Frances Pio
––
Nanumpa nitong Martes si dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang chief legal counsel ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., inihayag ng Malacañang nitong Martes.
Sinabi ni Press Secretary Rose Beatrix ‘Trixie’ Cruz-Angeles na si Enrile ay nanumpa sa pwesto sa pangangasiwa ng Pangulo.
“President Ferdinand Marcos Jr. sworn into office today, July 26, 2022, Juan Valentin F. Ponce Enrile Sr. as Chief of Presidential Legal Counsel,” sinabi ni Cruz-Angeles sa isang pahayag.
Si Enrile, 98, ay isang masugid na tagasuporta nina Marcos at Bise Presidente Sara Duterte-Carpio noong 2022 elections.
Kasunod ng kanyang nominasyon noong Hunyo 17, muling pinagtibay ni Enrile ang kanyang pangako na maglingkod sa bansa at tiyakin ang tagumpay ng administrasyong Marcos.
“I will devote my time and knowledge for the republic and for BBM (Bongbong Marcos) because I want him to succeed,” ika nito.
Naglingkod si Enrile sa iba’t ibang tungkulin sa nakalipas na 50 taon, kabilang ang pansamantalang Finance secretary mula 1966 hanggang 1968, Justice secretary mula 1968 hanggang 1970 at minister of National Defense mula 1972 hanggang 1986.