Pananatilihin ang Emergency Use Authorization (EUA) na iginawad ng Food and Drug Administration (FDA) sa kumpanyang Pfizer.
Ito ay sa kabila ng kumakalat na balita na maraming matatanda ang namatay sa Norway matapos mabakunahan.
Ayon sa FDA, kailangan pa nilang busisiin at pagaaralan ng maigi ang nangyaring insidente.
Iniutos na rin nila sa Pfizer ang pagbibigay ng report upang kanila itong masuri.