Share:

By Frances Pio

––

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Yogi Filemon Ruiz bilang bagong acting commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Kinumpirma ng Palasyo nitong Huwebes na ginanap ang oathtaking ceremony para sa kahalili ni Rey Leonardo Guerrero noong Miyerkules.

Dati nang nagsilbi si Ruiz bilang regional chief ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas bago lumipat sa BOC noong 2017 bilang direktor ng Enforcement and Security Services nito.

Ilang dekada nang humaharap ang bureau ng mga alegasyon ng katiwalian, na binunyag din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang iminungkahi ng isang panel ng mga mambabatas ang pagbuwag sa BOC dahil sa laganap na katiwalian sa loob nito.

Leave a Reply