Aprubado na ng senado noong Martes ang final reading para sa pangmalawakang bisa ng 2020 national budget at ang bayanihan hanggang sa susunod na taon.
Sang-ayon lahat sa senado na maipasa ang panukala na ang House of representative na payagan ang gobyerno na gumastos ng natitirang pondo mula pag-aabruba hanggang sa matapos ang taon ng 2021 nang Hunyo 30 2021 naman ang bayanihan 2.
Noong Lunes, inaprubahan ng Kamara ng mga Kinatawan sa huling pagbasa ang House Bill 6656 na nagbibigay sa administrasyong Duterte ng isa pang taon upang gugulin ang pambansang badyet ngayong taon.
Sa ilalim ng batas, ang lahat ng mga hindi nagamit na pondo ng gobyerno sa loob ng kanilang panahon ng bisa ay ibabalik sa National Treasury, at ang Kongreso ay kailangang gumawa ng mga bagong batas upang pahintulutan ang executive department na ma-access ang mga pondo.