Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Naglabas ng abiso nitong Martes ang Professional Regulation Commission (PRC) ukol sa pagsasagawa ng oathtaking ng mga bagong Civil Engineers na hindi lang sa National Capital Region (NCR) gaganapin.

Ayon sa PRC, sa pakikipagtulungan nito sa Philippine Institute of Civil Engineers, pinaghahandaan nito ang face-to-face o in-person na oathtaking sa mga sumusunod na lugar: Cebu, Davao, General Santos, Legazpi, Misamis Oriental, Negros Oriental, Negros Occidental, at Tacloban.

Bagama’t wala pang nababanggit na schedule ang komisyon ukol dito.

Para naman sa mga dadalo sa oathtaking na gaganapin sa darating na Disyembre 22 sa Philippine International Convention Center, paalala ng PRC na isa lamang ang maaring isama kada dadalo dahilan ang limitadong kapasidad ng pagdarausan.

Ang mga hindi naman makakadalo sa face-to-face oathtaking ay maari pa ring dumalo sa online oath taking.

Leave a Reply