By Jude Sagun
MANILA, Philippines — Pumanaw na nito lamang Sabado ang beteranong aktres na si Flora Gasser, ayon sa kompirmasyon ng kanyang pamilya sa isang Facebook post.
Inanunsyo ang pagpanaw ni Gasser nitong Martes ng apong si Valerie Ocampo, bagama’t wala pang ibang detalyeng ibinahagi ang kanyang pamilya sa pagyao nito.
“Our Lola (grandmother), Flora Gasser, passed away yesterday and is now with the Lord and with our Lolo Harry,” saad ni Ocampo.
Nagkaroon ng viewing sa mga labi ni Gasser sa St. Peter’s Chapel sa Commonwealth Quezon City simula noong Linggo hanggang Nobyembre 22.
Napanood ang aktres sa mga pelikulang “Batang Z,” “Annie Batungbakal,” “Joey Boy Munti: 15 Anyos ka sa Muntinglupa,” at “Kumander Bawang,” habang huli naman siyang napanood sa short film na “Nene” noong 2020.