Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Nobyembre 23, 2022, inilabas na ng Department of Trade and Industry ang gabay sa mga presyo ng bilihin para sa darating na “noche buena.”

Tumaas ang presyo ng mga produktong inihahanda kumpara sa nakaraang taon.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang price guide na inilabas ng ahensya ay hindi ang suggested retail price, at ito lamang ay ang kasalukuyan hanay ng presyo ng mga produktong “noche buena” sa merkado.

Ang range ng pagtaas niya compared to 2021 is 10 percent, mayroong pinakamalaking 27 percent depende sa produkto,” ani Castelo.

Umapela rin si Castelo sa mga manufacturers na itaas lamang ang presyo sa pinakamaliit na halaga, habang isinasaalang-alang ang mas mataas produksyon, kahit naiintindihan naman aniya ang dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin mula sa mga gumagawa ng produkto.

Sinabi rin nito na ang apela niya ay kung maari, magtaas lamang ng presyo sa “absolute minimum,” ‘yong hindi malulugi ang mga manufacturers.

Ayaw din naman natin na malugi ang mga gumagawa nito pero hindi ganoon kabigat para sa consumers,” dagdag pa niya.

Leave a Reply