By Christian Dee
MAYNILA – Punong-puno ng emosyon ang liham na isinulat ni Gary Valenciano para sa kaarawan ng kanyang anak na si Kiana.
Ibinahagi ng tinaguriang “Mr. Pure Energy” sa Instagram ang kanyang isinulat na pagbati kasama ang kanilang mga larawan.
“I don’t think anyone can truly fathom the depth of appreciation I have for having been given this princess,” panimulang sulat ni Gary V.
Tunay na “sweetheart” kung ituring ng mang-aawit at mananayaw ang kanyang anak dahil anya mayroon pa ring ginagawa si Kiana na nakasanayan niyang gawin noong bata pa ito.
“And yet she’s grown up with so much maturity that many times I have to stop myself from talking because of how well she expresses and explains herself to me,” anang Original Pilipino Music Icon.
“Then…her artistry. I do pray more of the world can be exposed to her kind of music, her kind of rhythm, her kind of expression, her kind of heart,” aniya.
“What a gift she has been to the family,” dagdag pa niya.
Ipinagpatuloy ni Valenciano ang kanyang pagbati sa pamamagitan ng paghihiling sa Panginoon.
Ani Valenciano, mahal na mahal niya ang kanyang anak.