By Christian Dee
MAYNILA – Inanunsyo ng mga kompanya ng langis ang idadagdag sa presyo ng gasolina at kerosene simula sa darating na Martes, Nobyembre 15.
Ayon sa Caltex, simula alas-12:01 ng hatinggabi ay madaragdagan ng P0.90 kada litro. P1.35/L naman ang dagdag sa presyo ng kerosene. Samantala, mababawasan naman naman ng P0.30/L ang diesel.
Ang Shell at Seaoil naman ay ipapatupad ang kanilang price adjustment simula alas-6 ng umaga. Gaya sa naunang kompanya ng langis, ang gasolina ay tataas ng P0.90/L, ang kerosene ay madaragdagan ng P1.35/L at ang diesel ay baba ng P0.30/L.
Alas-6 din ng umaga magsisimulang ipatupad ang bagong presyo ng petrolyo sa Petro Gazz. P0.90/L din ang itinaas nito sa gasolina at P0.30/L naman ang ibabawas ng kompanya sa diesel.
Sa Cleanfuel naman ay sisimulang dagdagan ng P0.90/L ang gasolina at baba rin ang presyo ng diesel ng P0.30/L, alas-4:01 ng hapon.