By Frances Pio
––
Bumawi ang Gilas Pilipinas mula sa 22-point deficit sa fourth quarter ngunit nabigo pa ring talunin ang Lebanon, 95-80, sa 2022 Fiba Asia Cup noong Miyerkules sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia.
Nang itala ni Yousef Khayat ang pinakamalaking kalamangan ng Lebanon, 22 puntos, 82-60, sa nalalabing 8:18 minutes, hindi sumuko si Carl Tamayo at binuhat ang koponan at umiskor ng pito sa 11 sunod na puntos ng mga Pinoy para idikit ang kalamangan sa 82-71 sa 5:26 ng 4 quarter.
Tinapos ni SJ Belangel ang 14-1 run sa pamamagitan ng three-point play para putulin ang kalamangan ng Lebanon sa siyam , 83-74, habang may 4:42 pang natitirang oras sa huling yugto.
Gayunpaman, pinatigil ni Hayk Gyokchan ang pagdurugo para sa Lebanese sa pamamagitan ng isang and-one play, na sinundan ng isa pang three-point play mula kay Wael Arakji para sa 89-75 na may 1:50 na lang na natitira sa laro at naipasok ni Jonathan Arledge ang dagger three sa huling 50 segundo.
“Unfortunate that the result turned out this way. But I thought we made a great run. We never quit, even when we were down by almost 20 points in the fourth,” sinabi ni Gilas Coach Chot Reyes pagkatapos ng laro.
“We made a great run to get within single digits midway through the fourth quarter. But the spread, the buffer that they got in the third quarter when they were hitting all those three-point shots was just too much for us to overcome,” dagdag pa niya.
Pinangunahan ni Arakji ang Lebanon na may 20 puntos at apat na assist. Si Gyokchyan ay may 19 puntos, walong rebounds, at dalawang rebounds, habang si Arledge ay umiskor din ng 19 na may anim na rebounds, dalawang blocks, at dalawang steals. Nakasama nila ang kapwa opening day winner na New Zealand, na pinasabog ang India, 100-47, sa tuktok ng Group D.
Susubukan ng mga Pinoy na makabangon laban sa India sa Biyernes ng alas-4 ng hapon.
“For us, it’s a great learning experience. We have a very young team here, and for them to be able to experience this kind of very high-level competition, I think that’s the most important thing,” ika ni Reyes.
Umiskor si Belangel ng siyam sa kanyang team-high na 17 puntos sa unang quarter, at naipasok ang dalawang tres upang bigyan ang Gilas ng 27-22 lead pagkatapos ng opening period bago sila nilimitahan ng Lebanese sa 12 puntos sa second frame at tuloy-tuloy na lumayo sa pangatlong yugto ng laro.
Naging instrumento rin para sa Pilipinas si Bobby Ray Parks Jr. na may 15 puntos mula sa apat na triples at apat na rebounds, habang nagposte si Tamayo ng 15 puntos, anim na boards, tatlong block, tatlong assist, at isang steal.