Share:

Nagpasalamat si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa ginagawang rehabilitasyon ng Manila bay, ngunit sa kabila nito sinabi niya na hindi siya maglalabas ng pera para sa rehabilitasyon o pagsasaayos ng white sand dito.

Ibang mga grupo ng environmental scientist sinasabing tatangayin lamang ng alon ang ilalagay na white sand. Ngunit ayon naman sa environment department may gagawin ang engineering sa lugar para manatili ito.

Pagkatapos ng lima o sampung taon ngayon kung tatangayin lang ng alon ang buhangin, bukas naman ang pamahalaan ng Maynila na ayusin ito at mag labas ng pera si Mayor Isko Moreno ngunit hindi ngayong panahon ng pandemya.

Dagdag pa ni Moreno na mas gagamitin niya ang pondo ng lungsod para sa gamot, mga equipment at kahit saan na makakatulong sa pasyenteng may coronavirus.

“I will continue to spend every single cent that is available for this pandemic,” ang sabi ni Moreno sa ANC. “It (white sand) is not my priority.”

Ang pagbabago ng Manila bay ay makaka attract ng tourist at ng mga investors sa kalapit na mga hotels and restaurants nito sabi ni Moreno

Araw araw na ngongolekta ng basura ang Manila personnel sa lugar at karamihan ng basura ay mga panghuli ng isda at mga dumi ng mga kalapit na lungsod at probinsya.

Ang P389 million na pondo para sa pag sasaayos ng manila bay ay nagsimula 2 years ago at ang pondo nito ay hindi na malilipat para sa pandemyang kinakaharap ng bansa.

Tatlong senador ang gustong pahintuin ang pag lalagay ng puting buhangin sa lugar dahil sa report na ito ay masama sa kalusugan ng tao.

“These lawmakers, I understand their feelings, but remember, they’re part also of the approval of the 2020 budget. It was presented to them,” sabi ni Moreno

“Kung iyan ay makapaminsala at mapapatunayan ng mga siyentipiko, ipapaaresto ko sila lahat,” dagdag pa niya.

Leave a Reply