Mangangailangan ang gobyerno ng P90 bilyon sa susunod na taon para sa pagkuha ng mga bakuna laban sa COVID-19, sinabi ng mga pandemic czars ng bansa sa pamunuan ng Senado nitong Huwebes ng gabi.
Ang Pangulo ng Senado na si Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson ay nagsagawa ng pagpupulong kasama ang vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon at contract tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
“They will need P90 [billion] for next year’s vaccine procurement budget to be included in the Regular Budget of DOH (Department of Health) to be itemized for vaccines, instead of putting it under the Unprogrammed Fund in order to ensure its availability,” sinabi ni Senator Lacson.
Sinabi din ng mga pandemic czars sa dalawang senador, ayon kay Lacson, na P20 bilyon ang kailangan din ngayong taon sa ilalim ng panukalang Bayanihan 3 para sa pagbili ng mga bakuna.
“That’s their request but I told them to check with [Department of Budget and Management] first if the amount could be sourced from realignments from other executive agencies with still unused appropriations before we consider to include it in Bayanihan 3,” dagdag pa niya.
Maraming mga panukalang batas ang naihain sa Kongreso at naglalayong tulungan ang mga Pilipino na buhayin ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.