Plano ng gobyerno na magbigay ng bakuna sa 20 hanggang 30 na milyong Pilipino kada taon sa loob ng limang taon ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Galvez nais ng gobyerno na maabot ang 60 hanggang 70 milyong Filipino para mabigyan ng bakuna laban sa Covid. “We will do this in a three to five years period kasi po kaya lang natin mapa-vaccinate is more or less 20 to 30 million a year,” ani ni Galvez.
Samantala, sa kalagitnaan pa ng susunod na taon maaring magkaroon ng bakuna sa ating bansa at kung hindi mapapadali ang clinical trials sa ating bansa ay baka sa katapusan pa ng 2021 magkakaroon ng bakuna.
Patuloy parin namang nakikipag ugnayan ang ating pamahalaan sa mga bansang nakatuklas ng bakuna ngunit wala pa ring impormasyon kung magkano aabutin sa bakuna para sa mahigit 30-50 milyong supply ng bakuna.
Ayon naman sa WHO expert ay kailangan ng 60-70% na supply ng bakuna sa ating bansa upang tuluyan ng mapuksa ang virus.