Share:

By Frances Pio

––

Mag-aalok ng libreng airport shuttle ride ang ride-hailing firm na Grab Philippines para sa buong second-half ng Hunyo bilang suporta sa libreng ridership program ng gobyerno.

Sa isang pahayag, tinanggap ng Department of Transportation (DOTr) ang inisyatiba ng Grab na mag-alok ng libreng sakay sa airport shuttle para sa mga pasahero mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 2 at 3 hanggang sa anumang punto sa National Capital Region (NCR).

Magsisimula ang libreng airport shuttle sa Hunyo 15 hanggang Hunyo 30, 2022, at tatakbo mula 8 p.m. hanggang 11 p.m.

Sinabi ng DOTr na magdedeploy ang Grab ng 100 units para sa libreng airport shuttle program.

Para maka-avail ng libreng shuttle service, kailangang mag-book ang mga pasahero sa Grab booths na matatagpuan sa arrival areas ng NAIA Terminals 2 at 3.

Pinasalamatan ni Transportation Secretary Art Tugade ang Grab dahil ang libreng shuttle services ay magpapalaki sa kasalukuyang Libreng Sakay Program ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nagpasalamat din ang Grab Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte at Tugade sa paglulunsad ng Libreng Sakay Program.

Leave a Reply