Share:

By Frances Pio

––

Maghahain ang isang grupo ng mga operator ng taxi ng petisyon para sa pagtaas ng pamasahe, kahit na para lamang sa isang provisional fare hike upang makayanan ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sinabi ni Jesus “Bong” Suntay, Presidente ng Philippine National Taxi Operators Association, nitong Huwebes na nais ng kanyang mga miyembro ng regular na pagtaas ng pamasahe, na nangangahulugan ng pagtaas ng rate para sa bawat kilometrong tatahakin.

“For me, I told them that the most viable thing to do is to file for a provisional fare increase,” sinabi ni Suntay, na representative rin ng fourth district ng Quezon City sa House of Representatives.

Tinitingnan ng kanyang grupo ang paghahain ng petisyon sa pagtaas ng pamasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo.

“What we are asking is already a fair request. It’s the most humanitarian win-win solution,” sinabi ni Suntay.

Kapag napagbigyan, mapipigilan din ng petisyon ang mga taxi driver na gumawa ng mga iligal na gawain na kinabibilangan ng pagpataw ng fixed rate sa isang destinasyon sa halip na singilin ng metro at hilingin na magdagdag ang mga pasahero sa kanilang pamasahe, aniya.

Leave a Reply