Share:

By Frances Pio

––

Nanumpa bilang representante ng P3PWD Party List si former Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon sa House of Representatives noong Huwebes.

Nagpasalamat si Guanzon sa kanyang mga tagasuporta, partikular sa natalong kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo na ikinampanya niya noong Halalan noong Mayo.

“The issue of opposing my substitution is now moot because I have already taken my oath and will assume office after 12 noon of June 30, 2022,” sinabi ni Guanzon sa isang Facebook post.

Kaninang umaga, ibinasura ng Comelec en banc ang protesta ng Duterte Youth Party List, sa pangunguna ni National Youth Commission Chairperson Ronald Cardema at asawang si Rep. Ducielle Cardema, na pigilan ang substitution ni Guanzon.

“Personal naman ang galit ng taong ‘yan sa akin eh. Di ko pa alam bakit ka ba galit na galit eh pinaupo naman namin yung asawa niya,” sinabi ni Guanzon. “Tapos na eh, nag-oath na ako, ano pa i-TRO (temporary restraining order)?”

Sinabi ni Guanzon na isusulong din niya ang mga electoral reforms habang nasa Kongreso. Nagsalita siya tungkol sa posibilidad ng pagsali sa House Committee on Suffrage.

“Sa ayaw at sa gusto ko, ilalagay naman nila ako sa committee na ‘yan eh,” ika niya.

Nakuha ni Guanzon ang kanyang economics at law degree mula sa University of the Philippines (UP).

Sa edad na 28, siya ay hinirang na Officer in Charge/City Mayor ng Cadiz sa Negros Occidental noong 1986 ni dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Siya ay naging commissioner ng Commission on Audit (simula 2013), at pagkatapos ay naging Comelec, mula 2015 hanggang Pebrero ng taong ito.

Leave a Reply