Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, si Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang susunod na chief ng Philippine National Police.
Papalitan ni Eleazar si Police General Debold Sinas, na magreretire sa darating na Mayo 8.
Sabi ni Año, ang rekomendasyon ni Eleazar bilang susunod na PNP chief ay base sa kanyang seniority, merit, reputasyon sa serbisyo at kakayahan mamuno sa buong pwersa ng kapulisan.
Bago ang kanyang pagtatalaga bilang PNP chief, siya ay nagbigay serbisyo bilang commander ng Joint Task Force COVID Shield ng 2020.
Siya din ay naging hepe ng National Capital Region Police Office bago pumasok sa Command Group ng PNP.
Nagpasalamat si Eleazar kay Duterte sa kanyang pagtatalaga, at sinabi niyang isa itong pambihirang opurtunidad kung saan masusubok ang kanyang kakayahang mamuno at mapantayan ang mataas na expectation ng mga Pilipino.