By Christian Dee
MAYNILA – Hinatulang guilty ang dating konsehal ng Quezon City at aktor na si Roderick Paulate para sa kasong graft at ‘falsification’ o pamemeke ng dokumento ng mga “ghost employees.”
Base sa desisyon ng Sandiganbayan noong Nobyemre 25, nagrekomenda si Paulate ng tatlompung indibidwal at naipasok sa kontraktwal na trabaho.
Ang nasabing mga indibidwal ay sinasabing nakatanggap ng sahod simula Hulyo hanggang Disyembre noong 2010.
Ayon sa Sadiganbayan, naimbestigahan na ng mga prosecutor ng pamahalaan ang mga sumusunod:
- Walang tala ng kapanganakan (job order employees have no records of birth);
- Wala sa mga ito ang nag-request ng NBI clearance (none of the job order employees have requested for a National Bureau of Investigation (NBI) clearance);
- Hindi matagpuan ang mga ito sa kanilang mga ibinigay na tirahan (the job order employees could not be located at their given residences);
- Hindi rehistrado ang mga ito sa kanilang mga barangay (the job order employees were not registered voters of their respective barangays); and
- Walang tala sa mga paaralang diumanong pinasukan ng mga ito (the job order employees have no record in the schools where they allegedly attended).
Anang nasabing korte, dahil sa mga natuklasan at bilang karagdagan sa iba pang mga ebidensyang ipinakita, ipinagtibay ng imbestigasyon na ang mga nakalagay sa Personal Data Sheet (PDS) ng mga empleyadong nabanggit ay walang katotohanan.
“Given the above findings and in addition to the other pieces of evidence presented, the prosecution has well established that the entries in the Personal Data Sheet (PDS) of the job contractors were indeed falsified,” anang Sandiganbayan.
“The defense did not give any logical explanation for the glaring inaccuracies of the entries in the PDS or adduce any evidence to show the truth thereof,” dagdag pa nito.
Matatandaang naisapubliko rin ang kabuuang bilang ng sintesya ni Paulate na 10 1/2 hanggang 62 taong pagkakakulong.
Kasama ni Paulate, hinatulan din ang kanyang driver at liaison officer na si Vicente Bajamunde para sa kasong graft.