Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sumiklab ang gusali kung saan naroon ang tinitirhang kwarto ng isang lalaking guro noong Miyerkoles, Enero 4, sa bayan ng Macalelon sa lalawigan ng Quezon.

Ang guro na si Limuel Soliman, 39-taong gulang, ay namatay sa loob ng kanyang kwarto, sa ikalawang palapag, matapos masunog ang gusali kung saan siya nakatira, base sa ulat ng pulisya ng lalawigan.

Bandang alas-11:20 ng gabi nangyari ang insidente sa Barangay Rizal sa naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, natagpuang patay ang biktima matapos makulong at mabigong makalabas mula sa gusaling nasusunog.

Alas-1:15 ng umaga na nang ideklarang naapula ang apoy.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan pa ang insidente.

Leave a Reply