Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 14, inilibing na ang gurong binawian ng buhay sa isang aksidente sa Bataan.

Labis na bumuhos ang emosyon ng mga malalapit sa buhay ni Janice Pontillas, ang kaisa-isang nasawi matapos maaksidente ang sinasakyang school bus sa Orani.

Pinasalamatan naman ng asawa ng namatay, si Allan, ang mga nakiramay sa kaniyang pamilya. Aniya, ang mga nakidalamhati sa pamamaalam ng misis ay ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanila upang malampasan ang nararamdamang pighati ng pamilya.

Huwag kang mag-alala. Hindi ko sila papabayaan,” ani Allan para sa mga pamangking inalagaan ni Janice.

Nagpasalamat din ang kapatid ni Janice na si Maricar para sa pag-aaruga ng yumaong guro sa apat niyang anak.

Salamat sa lahat ng mga tulong mo, lalong-lalo na sa mga anak ko. Salamat. Ikaw ‘yong lakas ko,” ani Maricar.

Samantala, wala pang pasiya ang pamilya kung sasampahan ng kaso ang bus driver dahil sa sinapit ni Pontillas.

Leave a Reply