Share:

By Frances Pio

––

Hindi bababa sa 12,880 na mahihirap na mag-aaral sa Central Luzon ang nakatanggap ng tulong pang-edukasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa dalawang round ng pamamahagi sa rehiyon, ayon sa datos ng gobyerno noong Lunes, Agosto 29.

Ayon sa DSWD, ang mga benepisyaryo ng one-time cash aid sa rehiyon ay kinabibilangan ng 1,217 estudyante sa Aurora; 745 sa Bataan; 2,561 sa Bulacan; 2,534 sa Nueva Ecija; 1,955 sa Pampanga; 1,878 sa Tarlac; at 1,990 sa Zambales.

Ang payout, na nagsimula noong Agosto 20, ay magpapatuloy tuwing Sabado hanggang Setyembre 24, ayon sa DSWD.

Tinatawag na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), ang tulong pinansyal ay ibinibigay sa mga kwalipikadong estudyante at ang halaga ay depende sa antas ng kanilang paaralan.

Sinabi ng DSWD na ang mga qualified elementary students ay tatanggap ng P1,000 habang ang junior high school students ay tatanggap ng P2,000 bawat isa.

Makakakuha ng P3,000 ang mga mag-aaral sa senior high school, habang ang mga mag-aaral sa kolehiyo o mga kumukuha ng vocational courses ay makakakuha ng P4,000 bawat isa.

Tatlong estudyante lamang bawat pamilya ang maaaring makatanggap ng cash assistance, ayon sa ahensya.

Leave a Reply