Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Noong Huwebes, Nobyembre 24, nasabat sa mga buy-bust operations sa Bicol ang halos P350,000 halaga ng shabu.

Sa Camarines Norte, inaresto sa dakong alas-8:55 ng gabi ang mga suspek na nagngangalang Marie at Jun, sabi ng hepe ng pulisya sa bayan ng Paracale na si Major Fernand Segundo.

Ayon sa hepe, isang ‘high-value’ na suspek sa mga ilegal na droga si Marie sa Bicol.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang P340,000 halaga ng shabu na may timbang na 50 gramo mula sa mga suspek.

Sa probinsya naman ng Albay, nasabat ang P6,800 halaga ng kaparehong ilegal na droga na nakalagay sa sachet mula sa 44 anyos na suspek na si Ronel Balibadol.

Alas-2:48 ng hapon nang arestuhin si Balibadol sa Brgy. 33-Penaranda.

Ang mga suspek ay haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply