Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nagtapos sa pagiging Top 15 finalist ang Miss International journey ni Hannah Arnold sa Miss International 2022 na ginanap nitong Martes, Disyembre 13 sa Tokyo Dome City Hall sa Japan.

Kasama ng pambato ng Pilipinas, pasok din sa Top 15 ang mga kandidata na mula sa France, Finland, New Zealand, Germany, Cabo Verde, Peru, Jamaica, Colombia, Costa Rica, Canada, Dominican Republic, Spain, Northern Marianas, and United Kingdom.

Nais ni Arnold na makamit sana ang ika-7 korona para sa bansa matapos ang ilang mga Pilipinang nagwagi sa nasabing pageant na sina Kylie Verzosa (2016), Bea Rose Santiago (2013), Precious Lara Quigaman (2005), Melanie Marquez (1979), Aurora Pijuan (1970), and Gemma Cruz (1964).

Matatandaang hinirang na Binibining Pilipinas International si ang forensic scientist at Pinay beauty queen noong nakaraang taon, 2021, ngunit ang international pageant ay pansamantalang nahinto dulot ng pandemya.

Sa kanyang pagsabak sa 60th Miss International, pinahanga niya ang mga Pinoy fans nang magpasiklab ang kandidata ng Pilipinas sa national costume at swimsuit competition.

Tagumpay naman si Miss Germany, Jasmin Selberg, sa pagkamit ng korona sa Miss International 2022.

Samantala, first runner-up naman si Stephany Amado ng Cabo Verde, second runner-up naman si Tatiana Calmell ng Peru, habang third runner-up naman si Natalia Lopez Cardona ng Colombia at fourth runner-up naman si Celinee Santos Frias ng Dominican Republic.

(Photo: Raymond Saldaña via Hannah Arnold/Instagram)

Leave a Reply