Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Bungkos ng mga pulang rosas ang isinorpresa ni dating Senate President Tito Sotto III sa kanyang asawa na si Helen Gamboa para sa kanilang ika-52 anibersaryo ng kanilang kasal noong Lunes, Enero 2.

Sa video na ibinahagi ng kanilang anak na si Ciara Sotto, hindi napigilang maging emosyonal ni Gamboa sa matamis na sorpresa ni Sotto habang nakaupo at tinitingnan niya ang kanyang cellphone.

Lumapit si Sotto kasama ang mga bulaklak at nagyakapan nang matagal ang mag-asawa.

“Happy 52nd (public church) wedding anniversary, Tatay and Mimi! You will always be the best example of TRUE ETERNAL LOVE,” saad ng kanilang anak na si Ciara Sotto sa kanyang Instagram post.

Ilang mga kasamahan sa industriya ng showbiz gaya nina KC Concepcion, Angeline Quinto, Pops Fernandez, Karla Estrada, Ryan Agoncillo, Eula Valdes, Camille Prats, Randy Santiago, at Mariel Padilla ang mga nagpaabot ng kani-kanilang pagbati sa mag-asawa

Leave a Reply