Share:

By Jude Sagun

Herlene Budol/IG

MANILA, Philippines —Inanunsyo ng talent manager na si Wilbert Tolentino na humihingi na siya ng basbas mula sa Binibining Pilipinas organization para isali si Herlene “Hipon” Budol sa isang international pageant.

“Gusto ko lang i-announce sa inyo na humingi ako ng basbas sa Binibining Pilipinas na naghanap ako ng international pageant na ilalaban ko pa rin si Herlene,” ani Tolentino. 

“[Gagamitin] pa rin niya ang wikang Tagalog dahil ito ay isang marka para sa kanya dahil sini-celebrate natin ang linggo ng wika ngayong buwan na ito.”

Noong July 31, wagi si Budol bilang first Runner sa Binibining Pilipinas. 

Maalalang gumamit ng wikang filipino si Budol sa Question Round ng BBP, kung saan tinanong siya tungkol sa “character transformation” niya nang sumali sa kompetisyon. 

“Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I’m uniquely beautiful with a mission,” sagot ni Budol. 

Ayon kay Tolentino, nararapat lamang ang suporta na natatanggap ni Budol mula sa publiko dahil sa “commitment” nito sa kanyang mga ginagawa. 

Nagpasalamat din si Budol sa mga taong naging parte ng kanyang BBP journey, at iginiit na laging may puwang ang pag-improve.  

“Alam niyo, meron pa palang ibubuga ‘yung mga taong akala nila hanggang do’n na lang ‘yung utak nila. Kagaya ko po, takot ako dating magsalita sa maraming tao pero napag-aaralan po ‘yon [at] naniniwala po ako na napag-aaralan ang lahat ng bagay,” saad nito. 

“Sabi nga po ni sir Wilbert ay meron pa po tayong mga susunod na laban kagaya sa international. Isisigaw ko po doon at handang-handa po akong sumigaw ng ‘Pilipinas’ kahit na Tagalog.” 

Unang nakilala si Budol sa Wowowin ng GMA bilang si ‘Hipon Girl.’ 

Leave a Reply