Share:

By Jude Sagun

MANILA, Philippines — Bibida na sa isang afternoon series si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Herlene Nicole “Hipon” Budol. 

Sa teaser na inilabas ng GMA Network, masasaksihan ang pag-transform ni Budol mula sa pagiging babaeng may kakaibang look, sa isang babaeng may angking kagandahan. 

“Nagmahal ng todo, pero matagal na palang niloloko, marami sa inyo, kwento rin ito,” saad ni Budol sa teaser.  

“Ako ang babaeng muling maga-ahon sa sarili, samahan niyo akong talunin ang masaklap na nakaraan.” 

Pinamagatang ang TV series na “Magandang Dilag” na mapapanood sa Pebrero 2023.

Makakasama ni Herlene ang mga leading man na sina Benjamin Alves at Rob Gomez. Kasama rin ang mga beauty queen na sina Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, Miss Universe Philippines 2009 Bianca Manalo. 

Nasulyapan naman din sa teaser ang mga karakter nina Chanda Romero at Sandy Andolong. 

Ito ang kauna-unahang lead role ni Herlene sa GMA Network, matapos na sumikat bilang dancer at host sa programang ‘Wowowin’. 

Samantala, ayon sa talent manager ng aktres na si Wilbert Tolentino, patuloy pa rin ang pagkumbinsi nito sa alaga na sumali sa Miss Grand International Philippines. 

Nitong Nobyembre lamang nang sumabak sa international pageant si Herlene. Kasado na ang kanyang pagsalang sa Miss Planet International sa Uganda ngunit masaklap itong hindi natuloy ngayong taon dahilan nang pag-withdraw ni Budol sa kompetisyon.  (Photo source: GMA Network)

Leave a Reply