Share:

By: Margaret Padilla

Opisyal nang napiling kumatawan sa Pilipinas sa 2nd Miss Planet International pageant si Herlene Nicole Budol, GMA-7 comedian at first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022, ayon sa kanyang manager.

Samantala, nabasa sa Instagram account ng pageant, “we are happy to announce that Herlene Nicole Budol, first runner-up of Binibining Pilipinas 2022, will represent The Philippines at the Miss Planet International 2022 pageant to be held on November 19 in Kampala, Uganda, “The Pearl of Africa.”

Ang pagpili sa kaniya bilang isa sa 40 kandidato ay nakumpirma kasunod ng mga pag-uusap ng manager ng aktres na si Wilbert Tolentino, at pag-apruba ng Binibining Pilipinas Charities, Inc.

Ang pag-lahok sa mga internasyonal na pageant ay isa sa mga plano ng komedyante at internet sensation, tulad ng sinabi ng kanyang manager. Ayon sa pinakahuling vlog ng kanyang manager, napili si Budol para makipagkumpetensya.

“Sana ipagpatuloy mo kung ano ‘yung mga naging plan natin, sa atin ni Madam Inutz, kung ano’ng meron sa ating tatlo, we are one,” ang post ni Tolentino. 

Ayon sa ABS-CBN, bilang bagong dating sa mundo ng mga beauty pageant, itinatag ang Miss Planet International noong 2019.

Ang kanyang manager na nagsisilbi rin bilang kasalukuyang pambansang direktor ng Miss Planet International sa Pilipinas ay nagsabing nakuha niya ang mga karapatan sa Miss Planet Philippines, ayon sa ABS-CBN News.

Ngayong taon, mayroong mahigit 70 kalahok, at isa sa pangunahing layunin ng pageant ay isulong ang edukasyon, kapayapaan, at ang pagpuksa sa mga kaguluhan at kahirapan.

Maluha-luha sa tuwa ang na kwento ni Budol na para siyang panaginip. “Naiiyak at nae-excite ako! Parang isang panaginip nga lang dahil para sa akin, isang malaking karangalan na nakatungtong ako sa national pageant at ngayon naman, isasabak na ako sa international level.”

May tatlong buwan pa siyang maghanda para sa Miss Planet International competition, sabi ni Budol.

Saad ng komedyante, “Gagawin ko itong better version na makakapag-inspire sa mga kabataan because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.” (Photo: Official Facebook page of Herlene Budol)

Leave a Reply