Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 17, halagang P1,360,000 ang halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang “high value” na suspek sa lungsod ng Bacoor sa Cavite.

Inaresto si Michael Angelo Cecilio bandang alas 8:30 ng gabi matapos ang isang operasyon sa Barangay Molino VII. Magkakasama sa naturang operasyon ang mga ahente mula sa Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya mula sa nasabing lugar, base sa ulat ng Police Regional Office 4A (PRO4A).

Nakitaan ng dalawang plastic bag na nakatali, may lamang shabu, na may bigat na 200 gramo. Tinatayang P1,360,000 ang halaga ng nakumpiska base sa Dangerous Drugs Board value.

Inaalam pa ng pulisya ang pinagmulan ng shabu na nahuli suspek.

Dagdag pa rito, mayroon ding pinaniniwalaang motorsiklong ginamit ni Cecilio para sa mga transaksyon nito sa ilegal na droga.

Nakadetine at humaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply