By Christian Dee
MAYNILA – Inanunsyo ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Benjamin Abalos Jr. noong Lunes, Disyembre 12, ang pag-apruba sa promosyon ng 54 na senior officers ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa hepe ng PNP, Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang paglalabas ng promosyon ng mga nasabing kapulisan ay napakagandang pamasko sa mga ito.
Kabilang sa mga na-promote ay si Major General Rhoderick Armamento na tumaas ang ranggo sa Lt. General.
Ilan pa sa mga kasama sa promosyon ay sina Brigadier Generals Emmanuel Peralta, Jonnel Estomo at Edgar Alan Okubo na ngayong mga Major Generals na ang ranggo.
Kasama rin ang walong koronel na naging mga brigadier general na sina Colonel Roderick Minong, Colonel Anthony Aberin, Colonel Mark Pespes, Colonel Rizalito Gapas, Colonel Faro Antonio Olaguera, Colonel Patrick Joseph Allan, Colonel Rodolfo Castil Jr., and Colonel Jezebel Medina.
Mula naman sa pagiging Lieutenant Colonel, na-promote na sa Colonel sina Lieutenant Colonels Irene Cena, Ma. Theresa Pucay, Peter Madria, Dominic Guevarra, Edward Quijano, Benjamin Ariola, Joselito Borja, Reynan Patam, Jenny Tecson, at Yahya Yusup.