Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Noong Lunes, Disyembre 19, nasabat ng mga awtoridad mula sa Northern Police District (NPD) ang mga pekeng produkto sa lungsod ng Navotas, na nasa P205.5 milyon ang halaga.

Ilang mga power tool, kasama sa naturang nasabat, ay ang 700 na impact drills, 300 welding machines, 24 impact hammer drills, at iba pang mga produkto na pinaniniwalaang peke.

Napag-alaman ng NPD na sangkot ang isang kompanya na pagmamay-ari ng isang indibidwal na nagngangalang Hong Xiao Bao sa “unfair competition” gaya ng tinukoy sa Section 168 ng Intellectual Property Code of the Philippines dahilan ang mga pekeng produkto.

Nagsagawa naman ng surveillance, verification, at test buy ang District Special Operations Unit ng NPD, matapos ay nag-apply ito ng search warrant na na-grant ng Quezon City Regional Trial Court Branch 90.

Bandang alas-9 ng umaga, ipinatupad ng tauhan ng DSOU nitong Lunes ang search warrant sa isang warehouse sa Simon De Jesus Street sa Brgy. San Rafael, Navotas. (Photo source: Northern Police District)

Leave a Reply