Sinabi ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra noong Lunes, papayagang magtaas ng singil sa tubig ang Manila Water ngunit ito ay magiging epektibo lamang sa 2023, sa ilalim ng bagong kasunduang konsesyon.
Noong Marso 31, pinirmahan ng Manila Water ang bagong konsesyong kasunduan, kasama ang gobyerno na nirerepresinta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS.
Isa sa mga importanteng probisyon ay ang pagtanggal ng non-interference clause o ang pakikialam ng gobyerno sa presyo ng singil ng tubig. Ayon kay Guevarra, kung sa tingin ng gobyerno ay hindi makatarungan ang singil sa tubig, maaaring manghimasok ang mga opisyal ng pamahalaan.