Nitong Lunes, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ang pagresponde ng gobyerno sa pandemyang kinakaharap ng bansa ay tila isang “autopilot” na walang sinumang namamahala.
Sinabi ito ng senador sa Twitter matapos ikinalungkot ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso at di matapos-tapos na problema ng bansa.
Ayon sa Tweet ni Lacson “Habang nasa mode na ‘at-will’ ito, para tayong nasa autopilot. Hindi namin maramdaman na may isang namamahala. Sobrang malas!”
Samantala, umabot sa 11,028 karagdagang kaso ng COVID-19 noong Linggo at umabot sa 135,526 ang aktibong kaso sa bansa na may kapasidad ng mga ospital sa mga pangunahing rehiyon upang matugunan ang mga pasyente na umaabot sa buong kapasidad.
Samakatuwid, umabot na sa 795,051 bilang ng kumpirmadong kaso sa Pilipinas.
Sa katunayan ang Pilipinas ay may pinakamataas na tala ng mga bagong kaso noong nakaraang araw na umabot sa 15,310 mga bagong kaso na iniulat noong Abril 2.
Dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, nagpataw muli ng pinakamahigpit na lockdown sa Metro Manila at apat na kalapit na lalawigan. Matatandaang isang taon na ang pandemyang kinakaharap ng bansa.
Simula noong Marso 29 hanggang Abril 4 ay ipinatupad ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) .
At ito ay extended pa ng isang linggo para sa hinahangad na pagbaba ng bilang ng mga kaso.