Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Sabado, Nobyembre 12, sumuko sa pulisya sa San Pedro City, Laguna, ang isang hinihinalang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA).

Base sa ulat ng kapulisan sa nasabing probinsya nitong Linggo, nasa alas-2 ng hapon nang sumuko ito sa Barangay San Antonio sa nasabing lugar.

Kasamang isinuko ng hinihinalang miyembro ng Nilo Hatol Command ng NPA na si Randy Jeremias, 45 taong gulang, ang kanyang baril na caliber .380 pistol na may limang bala nito.

Ayon sa pulisya, 10 taong nakasama si Jeremias na grupo bago maisipang sumuko dulot ng panlilinlang at katiwalian sa loob ng nasabing kilusan.

Inihahanda naman ng pamahalaan ang mga kinakailangang tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) nito para sa dating rebelde.

Leave a Reply