Share:

By Frances Pio

––

Nagpamalas ng magandang performance ang Magnolia sa loob ng buong laro laban sa Phoenix Super LPG nitong Biyernes ng hapon. Nanaig ang Magnolia sa score na 95-77, kontra sa Phoenix sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nanguna si Mark Barroca na may 21 puntos, limang rebound, at anim na assist na may limang steals. Nagdagdag si Aris Dionisio ng 19 puntos at pitong rebounds nang magkaroon ng sunod-sunod na streak ang Hotshots matapos ang nanginginig na pagsisimula sa conference.

“Next man up, that’s really the mentality this time,” sinabi ni Coach Chito Victolero na ang squad ay umungat sa 3-3 kahit wala ang top guns na sina Calvin Abueva at Paul Lee.

Gumawa ng 11-0 spurt ang Magnolia upang buksan ang paligsahan at pagkatapos ay hindi na huminto, ibinaon nila ang Phoenix sa butas na kasing lalim ng 27 puntos.

Samantala, ang Fuel Masters ay mayroon lamang dalawang manlalaro na nakaiskor sa double digits.

Nagtala si Javee Mocon ng team-high na 19 puntos habang nagdagdag si Sean Manganti ng 11 para bumagsak ang club sa 2-3 na kartada.

Ang Magnolia, pagkatapos ng isang pahirap na iskedyul, ay muling sasabak sa aksyon sa Hulyo 2 upang labanan ang NLEX.

Leave a Reply