By Christian Dee
MAYNILA – Ilang lokal na pamahalaan sa bansa ang nagsuspinde ng klase dahil sa low pressure area na nagdulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan ngayong araw, Enero 5.
Sa mga pampubliko at pribadong paaralan, suspendido sa lahat ng antas ang mga sumusunod:
ALBAY
- Daraga
- Guinobatan
- Camalig
- Legazpi City
CAMARINES SUR
CALOOCAN CITY
LAGUNA
- Bay
- Cabuyao City
- Cavinti
- Famy
- Luisiana
- Lumban
- Mabitac
- Majayjay
- Paete
- Pakil
- Pangil
- Santa Maria
- Siniloan
PALAWAN
Brooke’s Point
Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa ilang lungsod sa Metro Manila gaya ng Mandaluyong kaninang alas-11:30 ng umaga, Marikina, Pasig, at Valenzuela, habang piling mga paaralan lang ang nagsuspinde sa Quezon City, kabilang ang:
- Dona Rosario Elementary and High School
- Bagong Silangan Elementary and High School
- Payatas C Elementary School
- Justice Cecilia Munoz Palma High School
- Apolonio Samson Elementary School and Apolonio Samson National High School
- Sta. Lucia High School
- Masambong High School (PM classes)
Ang pre-school hanggang Senior High School naman sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay suspendido rin sa Naga City.
Samanatala, ang Balanac Elementary School sa Magdalena, Laguna naman ay nagsuspinde rin ng klase.