Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Pansamantalang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Iloilo ang mga ibon at mga produktong manok na mula sa Capiz matapos makumpirma ang kaso ng bird flu.

Ibinahagi ng isang opisyal ng Iloilo nitong Miyerkoles, Disyembre 7, sa isang panayam na isinagawa ang nasabing hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng bird flu.

Sampung araw, mula Disyembre 3 hanggang Disyembre 13, ang implementasyon ng pansamantalang pagbabawal sa mga produktong nabanggit.

Ayon kay Iloilo acting provincial Dennis Ventilacion, nakita ng lokal na pamahalaan ng naturang probinsya na naaakma ang implementasyong nasabi dahil mayroong ilang mga kumpanya at poultry farms ang may planta sa Iloilo.

Aniya, ang mga “dressing plants” ng mga kalapit na mga probinsya ay naroon na rin sa Iloilo.

So iyong mga poultry products, particularly iyong mga broiler chicken, dinadala dito sa amin at dito kinakatay and then malaki ring industry iyan, iyong poultry raising sa amin dito,” ani Ventilacion.

Temporary ban lang kasi titingnan natin how it develops in the coming days kung paano ma-control ng Capiz, at saka tingnan natin kung anong mangyayari, how it develops,” dagdag pa ng opisyal.

Kasalukuyan namang probinsya ng Capiz pa lamang ang mayroong kumpirmadong kaso ng bird flu sa Western Visayas.

Leave a Reply