Share:

By Frances Pio

––

Nagsagawa ng donation drive ang mga pulis na nakatalaga sa Iloilo para sa mga biktima ng magnitude-7 na lindol sa Northern Luzon noong nakaraang linggo.

Ang donation drive na pinangunahan ni Police Col. Adrian Accolador, director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), ay nakalikom ng pera at mga relief goods.

Hindi bababa sa P6,000 na cash ang nakolekta.

Nakolekta ang mga relief goods na nagkakahalaga ng P19,000 mula sa mga pulis na nakatalaga sa IPPO headquarters gayundin sa mga police station sa 42 bayan at component City ng Passi.

Ang mga relief goods ay binubuo ng mga sako ng bigas, canned goods, instant noodles, bath soap, used clothes, powdered milk, chocolate, at cereal drinks.

Nakikipag-ugnayan na ang IPPO upang maihatid ang mga relief goods at ibigay ang mga donasyon sa kanilang mga counterparts sa Northern Luzon.

Inanunsyo naman ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. na magbibigay sila ng tulong pinansyal sa Abra.

Leave a Reply