By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa Badan Meteorologi, Klimatologi, dan Geofisika (BMKG), ang weather and geophysics agency sa Indonesia, tinamaan ng 5.6 magnitude na lindol ang Jakarta nitong Lunes.
Base sa nasabing ahensya, ang sentro ng pagyanig ay nasa lupain sa Cianjur sa West Java, nasa 75 kilometro timog-silangan ng Jakarta, at sa lalim na 10 kilometro.
Sinabi rin ng BMKG na wala namang naiulat na banta ng tsunami sa nasabing lugar.
Ilang tao sa mga opisina sa distritong sentro ng negosyo sa Jakarta ay lumikas nang maramdaman ang lindol.
Samantala, ayon sa isang lokal na opisyal na si Herman Suherman, umabot sa 20 katao ang namatay dulot ng pagyanig at 300 ang sugatan.
“This is from one hospital, there are four hospitals in Cianjur,” aniya sa MetroTV.