By Christian Dee
MAYNILA – Nagbigay ng babala ang aktres na si Jaclyn Jose sa publiko laban sa hacker ng kanyang Facebook page.
Nanghihingi aniya ng pera ang nang-hack gamit ang kanyang social media.
Batid ng aktres na kung mayroong nanghingi ng pera kung kanino man, hindi raw siya iyon.
“Ang style kamusta ..those who know me alam nila hindi ako yan..pls wag paloko….ako na sana ang huling naloko ng mga taong ito,” sulat nito sa kanyang Instagram post.
Hinala ni Jose na taga-industriya ang hacker dahil alam nito ang umanong zoom meeting.
Sa screenshot na ibinahagi ng aktres, ang hacker ay humingi ng pabor sa kausap at nagtanong kung mayroong maipapahiram na pera dahil hindi raw gumagana ang online banking.
Dagdag pa rito, nangakong ibabalik nito kinabukasan ang perang hiniram, gamit ang FB page ni Jose.