By: Margaret Padilla
––
Ang mga celebrity na sina James Reid at Liza Soberano ay patuloy na pinaguusapan sa social media mula nang dumating sila sa Hawaii noong Hulyo 31.
Tila ilang araw nang nasa Hawaii sina Reid at Soberano, na na-tweet at nakilala ng isang netizen na dumating sa isla noong Sabado, Hulyo 31.
Kamakailan lamang, ang mga artista ay kabilang sa mga bisita ng Filipino-American reality TV star na si Bretman Rock sa kanyang 24th birthday party celebration noong Linggo sa tahanan nito sa Hawaii.
Noong Martes (Manila time), ibinahagi ni Rock ang mga larawan mula sa kanyang birthday party, kasama ang mga photo booth shot ng kanyang mga bisita, sa pamamagitan ng Instagram Stories.
Kasama ng celebrant sa isang larawan ang kapwa Filipino celebrities na sina Soberano, Reid, at Bella Poarch, isang kapwa Fil-Am content creator sa United States.
Ayon sa Philippine Daily Inquirer, magkakasama rin ang apat sa isang photo booth shot na ibinahagi ni Rock sa kanyang Instagram Stories noong Martes.
Nauna nang naka-bonding ni Soberano sila Rock and Poarch sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day noong Hunyo.
Bago pa man ang party ni Rock, nag share naman si Careless Music CEO Jeffrey Oh sa kanyang Instagram Stories kahapon ng mga larawan ng celebrity duo na kumukuha ng litrato habang nasa counter at kumakain sa Ala Moana Center branch ng isang Filipino fast-food chain sa Honolulu, Hawaii.
Samantala, si Jhan Balugo, ang empleyado ng nasabing fast-food na kumuha ng order ng dalawa, ay nagkwento sa kanyang Facebook page kahapon. Tuwang tuwa siya sa pagkikita sa mga aktor ng personal. Nagpost rin siya ng mga screenshots ng Instagram Stories ni Oh at larawan ng staff ng restaurant kasama sina Soberano at Reid.
Matapos pumirma sa record label ni Reid na Careless Music, mas maraming oras na magkasama sina Soberano at Reid, kasunod ng kanilang mga nakaraang paglalakbay sa South Korea at United States. (Photo: Instagram: @bretmanrock)