Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Pinasalamatan ng aktres na si Jane De Leon ang mga dumalo at bumuo ng selebrasyon para sa kanyang ika-24 na kaarawan.

My night with family and friends was filled with fun and surprises. My heart is overwhelmed because of these beautiful souls celebrating with me. I love you guys,” saad niya sa kanyang Instagram post.

So thankful to the many blessings God has given me. To the people who showed me their love and support all these years and made me who I am today, I love you. Looking forward to more opportunities and blessings in the years ahead,” dagdag pa ng aktres.

Panghuli, nagpasalamat din si De Leon sa mga tao sa likod ng kanyang matagumpay na pagdiriwang.

Lastly, the people behind the event, despite the lack of time and busy schedules you were still able to make my special celebration a success. THANK YOU!

Ipinagdiwang ng aktres ang kanyang espesyal na araw sa Okada Manila, na dinaluhan ng pamilya ni De Leon at ng mga malalapit na kaibigan, kasamahan man o sa labas ng industriya ng showbiz.

Hindi pinalampas ng mga katrabaho niya sa teleseryeng “Mars Ravelo’s Darna” na sina Rio Locsin, Kira Balinger, LA Santos, Paolo Gumabao, Joj Agpangan, Kim Rodriguez, Enchong Dee at Zaijian Jaranilla ang selebrasyon ng aktres.

Dumalo rin sa kanyang birthday bash ang head ng Star Magic na si Laure Dyogi at ang kapwa artista na sina Darren Espanto at Gerald Anderson.

Ilan rin sa mga nakasama ng aktres sa kanyang kaarawan ay sina Julia Barretto, Angel Aquino at Jay Gonzaga.

Si De Leon ang gumaganap na Darna at Narda sa nasabing fantaserye.

Mapapanood naman ito mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamily Online Live, A2Z, TV5, and iWantTFC.

Photo by Nice Print Photo via Jane De Leon/Instagram

Leave a Reply